1.Romantismo - ito ay isang istilo sa sining at panitikan. Mas may diin ito sa damdamin kaysa katwiran. Mas may diin sa imahinasyon at kutob kaysa lohika. Pinapanigan ng romantisismo ang maluwag na daloy ng emosyon at malayang kilos kaysa pinipigil at pag-aayos. Sa lahat ng aspeto, kabaligtaran ng klasisimo ang romantisismo. Ang pokus ay ang emosyon at imahinasyon ng tauhan sa akda. Nababatay ang tula ditto. Ang tula ay isang akdang pampanitikan na nagpapahiwatig ng matinding saloobin at maigting na kaisipang gumigising sa diwa ng mambabasa. 2.Humanismo - ang teoryang ito ay nagbibigay ng pagpapahalaga sa buhay ng isang tao. Kung saan ang sentro ng akda ay ang tao. Ang tao ang siyang pinahahalagahan dito. Siya lamang ang makagagawa ng paraan upang siya ay umunlad at ikatatagumpay niya. Siya rin ang nakagagawa ng ikababagsak at ikalalagapak ng kanyang buhay. Pwedeng gamitin ng sanaysay dito. 3.Bayograpikal - ang teoryang ito ay patungkol sa may-akda ng mga akdang pampanitikan. Siya ang nagsusulat o sumusulat ng mga akdang pampanitikan na ating nababasa magpasahanggang ngayon. Ang teoryang ito ay tumutukoy sa karanasan ng may akda sa kanyang sinulat na akda. Makababasa tayo ng ilang mga pangyayaring nangyari sa tunay na buhay ng may-akda upang masmapaganda pa nito ang paghubog sa kanyang sinulat na akda. Kakikitaan din ito ng pilosopiya ng may akda sa dahilang kababasaan ito ng kanyang pananaw. Patungkol ito sa mga bagay na nais niyang ihatid sa mga mambabasa. Pwedeng gamitin ng tula dito. 4.Klasisismo – ang isang akdang pampanitikan tulad ng kuwento ay nagpapahayag ng mga ekspresyon o saloobin ng karanasan sa buhay. Ang mga karanasan ay nagsisilbing aral na dapat maikintal sa kaisipan ng mambabasa. Kaya’t dapat suriin ang pagiging marangal ng mga tauhan batay sa kilos, pananalita, paniniwala, at paghahatid ng kaisipan. Naaayon ang pagsusuring ito sa teorya ng klasisismo. 5.Realismo - Sinusuri ang akda sa pamamgitan ng pagtukoy sa tiyak na bahagi nito na nagpapatunay ng pagkakaroon ng transpormasyon ng tauhan sa pisikal, emosyonal, intelektuwal, espiritwal, at sikolohikal na aspekto. Naayon ng dula dito. Ang dula ay isang akdang pampanitikan na nagbibigay-kasagutan sa isang malalim na suliranin, naglalarawan ng kalikasan ng tao, at nagpapahayag ng tunggalian ng kalooban at damdamin ng mga tauhan. 6.Feminismo – ang teoryang ito ay mababatay sa papel na ginagampanan ng kababaihan sa tahanan o sa lipunan. Naaayon ang tula dito. Binibigyang-pansin kung paano inilalarawan ang mga babae, paano sila kumikilos, ang kanilang pananaw sa sarili at ang papel na kanilang ginagampanan sa lipunan. na ginagampanan ng kababaihan sa tahanan o sa lipunan. Naaayon ang tula dito. Ang kaisipang feminista ay bunga ng kilusan ng makabagong kababaihan noong banding 1960. May diwang pulitikal ito na mahigpit na tumututol sa lipunang patriyarkal at sexist. 7.Sikolohikal – sinasabing walang katapusan ang diwa at espiritu ng tao na makalaya sa kinabibilangangdaigdig. Sinisikap ng tao na kahit hinahangad niya ang kanyang kalayaan, naniniwala siyang hindi maihihiwalay sa daigdig ang tao nang walang pagbabagong magaganap sa kalikasan. ang tula ay may katangiang maglarawan ng mga tiyak na matulaing imahen batay sa isang salita, isang talutod, kabuuan at pamagat ng akda. Halimbawa, sa tulang “Ang Diyos at ang Agham”, makikita ang imahen ng mga astronaut na lumapag sa buwan at ng patuloy na pagsasaliksik kung may buhay nga sa ibang planetang tulad ng Mars. Dito nailalapat ang mga kaalaman tungkol sa teoryang imahismo. 9.Eksistensiyalismo – ang mga tauhan ng akda any nagkakaroon ng mga paniniwala na labis nilang pinahahalagaan. Ipinapakita rin ng teoryang ito ang kalayaan at pagiging awtentiko. Isinasaad din ang teoryang ito, ang pagpapasiya sa sariling kilos, pagpili, at paggalaw na tanging tagapagbigay ng pagpapahalaga sa katauhan. 10. Formalismo – isa sa mga layunin nito ay mabigyan ng pagpapakahuluganang matatalinghagang salitang ginamit ng may-akda. -pink_fantasy08- _deth08_
pink_deth08